CHILDREN'S MONTH 2018
Pagkabata,ang pinakamasayang parte ng
buhay. Malayang nakapaglalaro at masayang nakikipaglaro kasama ang mga
kababata, kaklase, kalaro,at mga kamag-anak.Takbohan, taguan, bahay-bahayan.
Kahit na pawis na pawis, sige laro parin. Dahil yan ang mga simpleng gawain ng
mga bata. Nasabi kong pinakamasayang parte ng buhay ito dahil kung saan kung
bata ka pa, wala ka pang ibang inaatupag kundi maglaro. Wala pang prinoproblema
o kinabibisihan.
Ngayong buwan ng Nobyembre ginaganap o ipinagdiriwang ang National
Children's Month na may temang; "Isulong: Tamang pag-aaruga para sa lahat
ng bata". Isang selebrasyon kung saan bida ang mga bata. Dito sa ating
probinsiya( Ilocos Sur) nagaganap ang mga iba't-ibang aktibidades na
pinamumunuan ng opisyales ng probinsiya. Buong buwan na pagseselebrasyon ng mga
kabataan.
Magulang ang siyang
may responsibilidad na alagaan, arugain,at mahalin ang kanilang mga anak. Mga
magulang na nagsisilbing gabay ng mga bata para sila ay lumaki ng masaya at
lumaking may takot sa Diyos, may disiplina at respeto. Kung maganda ang
pagpapalaki at paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak, paniguradong
sila'y lalaki ng maayos. At ang ugali ng bata ang nagpapakita kung anong
klaseng pamilya ang kaniyang kinabibilangan.
Comments
Post a Comment