Buwan nating mga Filipino
Bawat buwan ng Agosto,ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang Buwan ng Wika.Ngayong taon,ang tema ay "Wika ng Saliksik". Tayong mga mamamayang Pilipino ay gumagamit ng wikang Tagalog bilang pambansang wika.Ang wikang tagalog ay patuloy nang nagiging laganap.Ginagamit na ang wikang tagalog sa pagsasaliksik ng mga impormasyon.Ginagamit din ng wikang Tagalog sa paggawa ng nobela,sanaysay,kuwento,tula,kanta at marami pang iba.
Bilang isang mamamayang Pilipino, isang paraan para maipakita ang pagmamahal sa bayan ay ang maayos at malikhaing paggamit ng wikang Tagalog.Maraming Pilipino ang hindi gumagamit sa wikang ito dahil mas bihasa sila sa pananalitang Ingles.Huwag nating ikahiya ang ating sariling wika,bagkos ito'y ating ipagmalaki dahil ito ay sariling ito.
Layunin ng tema ng Buwan ng wika sa taong ito na mas palawakin pa ang ating mga kaalaman gamit ang wikang Tagalog.Layunin din nitong hubogin ang ating kakayahan sa pagsasalita at paggamit nito.Ipagmalaki natin sa buong mundo ang kagandahan ng ating wika.
Nasa dugo mo talaga kaibigan ang pagiging mahusay! Isa ka sa mga patunay na ang kagalingan ng pagsulat sa kulturang Pilipino ay hindi pa patay. #ipagmalakiangwikanglahi
ReplyDelete